Nakapagrehistro ang Bureau of Customs (BOC) ng pinakamataas na buwanang koleksyon sa kasaysayan nitong nakalipas na Hunyo.
Lumalabas na nakapagkolekta kasi sila ng P76.290 billion batay sa preliminary record mula sa BOC financial service.
Nalagpasan nito ang P56.287 billion na target o mas mataas ng 35.5% o P20.003 billion.
Mas malaki rin ang koleksyon nitong Hunyo kumpara sa P70.778 billion na naitala noong Marso.
Kasama sa revenue collection ang karagdagang kita mula sa tax expenditure fund at post clearance audit group.
Samantala, 14 naman sa 17 collection districts ang lumagpas sa kanilang target na koleksyon, kabilang ang San Fernando, POM, MICP, Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Surigao, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri, at Limay Port.