Nahigitan pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang collection target noong buwan ng Enero ngayong taon ng P6.035 billion.
Sa isang pahayag ay sinabi ng ahensya na nakakolekta ito ng kabuuang P58.158 noong nakaraang buwan, 11.58% na mas mataas ito kumpara sa kanilang target na P52.123 billion para sa naturang buwan.
Ayon pa sa Customs, 14 sa 17 collection districts ang naka-target kabilang na ang Ports of San Fernando, Port Moresby (POM), Manila International Container Port (MICP), Batangas, Legaspi, Iloilo, Cebu, Surigao, Zamboanga, Davao, Subic, Clark, Aparri, at Limay.
Samantala, noong nakaraang taon naman ay nalampasan din ng ahensya ng 4.7% ang kanilang annual revenue collection target o P29.036 billion, kung saan nakapagkolekta ito ng nasa kabuuang P645.785 billion kumpara sa target nitong P616.749 billion.
Iniuugnay ng BOC ang positive revenue collection performance sa improved valuation, mas pinaigting na enforcements laban sa mga iligal na importasyon, mas mahigpit na pagsunod ng mga traders sa mga batas na ipinapatupad ng customs.
Ang improvement sa dami ng mga importasyon sa bansa, maging ang pagsisikap ng pamahalaan sa pagtiyak ng walang magiging hadlang sa paggalaw ng mga kalakal sa loob at labas ng bansa.
Magugunita na sa nakalipas na dalawang taon ay nahigitan din ng BOC ang annual target collection nito ng 6.23% at 4.70% kahit na kumakaharap ang Pilipinas sa global health crisis.