-- Advertisements --

Nag-armas na ang ilang mga miyembro ng Bureau of Customs bilang proteksyon sa kanila.

Kasunod ito sa magkakasunod na insidente ng pag-aatake sa kanilang hanay.

Ayon sa Bureau of Customs Employees Association (BOCEA) na yung mga pawang mayroong lisensya lamang na gun owners mula sa kanilang hanay ang kanilang pinapayagan na magdala ng armas.

Nakatakda rin silang makipagpulong sa PNP at National Bureau of Investigation (NBI) para makakuha ng update sa nasabing mga pag-atake sa kanila.

Mula kasi noong Disyembre 23, 2021 hanggang Pebrero 11, 2022 ay umabot na sa anim na pag-atake sa kanilang empleyado ang naitala kung saan dalawa sa mga dito ay binawian ng buhay.