Isinubasta ng Bureau of Customs (BOC) ang nakumpiskang anim na units ng luxury vehicles na ipinuslit umano sa bansa.
Kabilang sa mga nakumpiskang sasakyan ay ang isang used Porsche Boxster 2001,isang used Ferrari Scuderia, 3 used Mercedez Benz at isang brand new mercedes Benz.
Sa kabuuan, nakalikom ang BOC ng P6 million mula sa mga isinubastang mga smuggled vehicles.
Napag-alaman na ang naturang mga sasakayan ay ipinadala sa JLDFM Consumer Good Trading at Frebel Enterprise at nakumpiska sa Manila international container Port at sa Port of manila.
Kinumpiska ito ng mga awtoridad matapos na madiskubre na hindi properly declared bilang sasakyan ang mga ito.
Ang pagsubasta sa mga sasakyan ay naisakatuparan sa pamamgitan ng Assessment and Operations Coordinating Group at ng Auction and Cargo Disposal Division sa pakikipagtulungan ng Bureau of Treasury at Land bank of the Philippines.