Umabot na sa 204 apprehensions ang nagawa ng Bureau of Custom(BOC) ngayong taon, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng hanggang P41.58 billion.
Kabilang sa mga produkto na nagawa nitong makumpiska ay ang mga ipinuslit na sigarilyo, mga produktong petrolyo, agricultural products, at iba pang smuggled at pekeng mga produkto.
Sa mga nakumpiskang sigarilyo, umabot sa 8,816 cases ang nagawa nitong masabat at tinatayang nagkakahalaga ng P595.22 million.
Ang mga agricultural products na tinangkang ipasok sa Pilipinas ngunit naharang ay tinatayang nagkakahalaga ng P100 million.
Ayon pa sa BOC, resulta ito ng mas malawakang anti-smuggling campaign ng ahensiya, kasabay ng pagbabantay sa mga pantalan, pwerto, at iba pang point of entry.
Una na ring iniulat ng ahensiya na nalagpasan na nito ang revenue collection target sa unang kalahating bahagi ng 2024 ng hanggang 2.98% kung saan naipasok nito ang hanggang P455.8 billion mula January hanggang June.
Ito ay katumbas ng P13.18 billion mula sa target collection na P442.62 billion.