-- Advertisements --

Nakapagtala ang Bureau of Customs ng kabuuang halaga na P81 billion ng mga nasamsam na kontrabando nitong Disyembre 2024, na halos doble ang bilang mula sa nakaraang taon.

Noong 2023, nakapagtala ang Customs ng kabuaang halaga na 43.29 billion. 

Ayon kay BOC Intelligence Office Alvin Enciso, mahigit kalahati ng seizure value ay nagmula sa Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port (CIIS-MICP), na may P55 bilyong halaga ng mga nasabat na kontrabando.

Kabilang dito ay ang mga ilegal na droga, vape products, frozen mackerel, luxury vehicles, general merchandise, used clothing, fake items, at agricultural products. 

Dahil dito, nanawagan si BOC Commissioner Bienvenido Rubio sa mga opisyal ng intelligence group na panatilihin ang kanilang dedikasyon para sa ikatatagumpay ng kanilang tanggapan.