Hinahanap na ng mga otoridad ang iba pang may kaugnayan sa parcel ng droga na nasabat ng mga otoridad sa NAIA.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), katuwang nila ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa pagkakaharang sa nasabing ipinagbabawal na gamot.
Nakakabahala umano ito dahil idinaan sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City ang cargo at maaaring makalusot kung naging pabaya ang kanilang mga tauhan.
Gayunman, kampante umano ang BOC at PDEA sa kakayahan at kasanayan ng kanilang mga operatiba para maagapan ang mga kahalintulad na aktibidad.
Marami na rin umano silang naharang dati at ipinagpapatuloy lamang nila ang mahigpit na screening sa paliparan.
Bukod sa airport, mabusisi rin ang inspection ng mga otoridad sa mga bus terminals, ports at iba pang maaaring paraan ng pagpapadala ng bagahe ng mga drug personalities na nasa likod ng illgal activities.