Pinangunahan ng Bureau of Customs ang isinagawang Inter-agency Intelligence Summit na mayroong pangunahing layunin na masugpo ang illegal smuggling sa bansa.
Ito ang bilang tugon na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pigilan ang lahat ng uri ng smuggling.
Layunin rin ng naturang Summit na palakasin ang kooperasyon ng mga National Law Enforcement Agencies at pagtibayin ang mga border protection measures laban sa smuggling.
Personal na dumalo ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang ahensya, kabilang na ang National Security Council, National Intelligence Coordinating Agency, at Philippine Drug Enforcement Agency.
Sumentro ang talakayan sa intelligence gathering, processing, at sharing para kontrahin ang paglaganap ng ilegal na droga at mga hamon ng agricultural smuggling sa teritoryo ng Pilipinas.
Ibinahagi rin ng mga delegado sa naturang pagtitipon ang kani-kanilang best practices at expertise na nagpapakilala sa mga innovations at initiatives pagdating sa mga intelligence operation at pagpapatupad ng batas sa kani-kanilang mga ahensya.