Matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – V ang milyon-milyong halaga ng smuggled fuel mula sa tatlong gasolinahan sa rehiyon.
Batay sa pagtataya, aabot ito sa kabuuang 39,000 litro ng non compliant fuel.
Ito ay may tinatayang halaga na aabot sa P2.6 milyon matapos ang ikinasang field testing ng Port of Legazpi.
Sa pahayag ng BOC Enforcement and Security Service, bumagsak sa compliance ang fuel marker .
Nagpapakita lamang aniya ito na iniiwasan ang pagbabayad ng tamang buwis at taripa para sa naturang produkto.
Matapos na masuri ay kaagad na naglabas sila ng warrant of seizure and detention laban sa sinasabing smuggled fuel.
Tiniyak naman ng BOC na magpapatuloy ang kanilang isasagawang kahalintulad na operasyon laban sa smuggling alinsunod sa kautusan ni PBBM.