Nasamsam ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang isang package na naglalaman ng iba’t ibang produkto ng tsaa sa isang warehouse sa Pasay City.
Ang nasbaing package ay idineklara bilang “assorted foodstuff” ng sender na kinilalang si “Yong Lee Chei” na ipadadala sana sa consignee nito sa Caloocan City.
Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na ang kontrabando na ito ay natagpuan sa isa sa mga package ng tsaa habang nagsasagawa ng physical examination ang Customs examiner.
Nagpositibo rin daw ito sa shabu makaraang ipadala ang sample sa laboratoryo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Napag-alaman din sa talaan ng ahensya na ang naturang package ay nanggaling pa sa Malaysia, kapareho ito ng P1.63 billion halaga ng shabu na nasabat naman noong Oktubre 31, 2020, na nakabalot din sa tea packaging.
Kaagad itinurn-over ang parcel sa PDEA para sa case profiling, buildup, at posibleng pagsasampa ng kaso sa sinumang nasa likod nito dahil malinaw itong paglabag sa Section 119 (Restricted Importation) at Section1401 (Unlawful Importation) ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act.