Hindi bababa sa apat na bilyong pisong halaga ng smuggled e-cigarettes product ang nakumpiska ng Bureau of Customs.
Ito ay matapos ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ng BOC sa tatlong tatlong warehouse na naglalaman ng naturang mga produkto.
Ang operasyon ay sa bisa na rin ng Letter of Authority na inilabas ng Customs Commissioner.
Magkakasabay na sinalakay ng mga operatiba ang tatlong warehouse mula sa Quezon City, Malabon, at Parañaque
Sa isang pahayag, sinabi ng hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port na si Alvin Enciso, modus umano na unti-unting ipasok sa bansa at iniimbak naman sa Metro Manila.
Ayon sa Enciso, batay sa inisyal na impormasyon ay nagmula ito sa bansang China at sinasabing Filipino – Chinese ang nag-mamay-ari nito.
Pansamantala namang isinara ang tatlong warehouse at hihintayin ang warrant of seizure and detention para mahakot at agad na masira ang mga smuggled e-cigarette.
Kaugnay nito ay nagbabala naman ang BOC sa posibleng masamang epekto sa kalusugan ng paggamit ng naturang mga produkto .
Bilyon- bilyon kase ang nawawala na halaga ng duties and taxes na makakaapekto sa mga proyektong gobyerno.
Inihahanda na rin ng ahensya ang reklamong paglabag sa Anti-Smuggling Law laban sa mga may-ari ng tatlong warehouse.