Inihayag ng Bureau of Customs na nasamsam nito ang umano’y aabot sa 250 metrikong tonelada ng mga sibuyas, bawang at monggo beans sa isang cold storage facility sa lungsod ng Malabon.
Kabilang ang mga tauhan ng pulisya at Philippine coast guard sa nangumpiska ng tone-toneladang produktong pang-agrikultura na sinasabing illegal na ipinasok sa Pilipinas.
Ang mga nasabing produkto ay hinihinalang iligal na ipinasok sa bansa na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P95million.
Kaugnay niyan, hinihingi umano ng mga awtoridad ang mga kinauukulang dokumento kabilang ang proof of payment sa duties at taxes para sa sibuyas, bawang at monggo beans na nasamsam.
Sa ngayon, binigyan ang may-ari pasilidad ng 15 araw upang maisumite ang mga hinihinging dokumento at makapapagpaliwanag ukol sa naturang mga illegal na produkto.