Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang P42.4 bilyong halaga ng mga smuggled goods mula Enero hanggang Nobyembre 24 ngayong taon.
Sinabi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na doble ito sa mahigit P20 bilyong halaga ng mga smuggled goods na nasabat sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa kabuuang halaga, ang mga pekeng produkto, na umaabot sa P24.3 bilyon, ang nanguna sa listahan ng mga smuggled goods, na sinundan ng iligal na droga sa P7.5 bilyon, produktong pang-agrikultura P3.77 bilyon, sigarilyo P3.76 bilyon), pangkalahatang paninda P963.6 million, at gasolina sa P716.3 milion.
Kasama rin sa listahan ang mga sasakyan at accessories, mga damit, mga produktong bakal, electronics, cosmetics, baril, pagkain, kemikal, at alahas.
Ayon sa nasabing kawanihan, ito na ang pinakamataas na nasamsam ng BOC at mayroon pa tayong isang buwan na natitira na kung saan maaari pang madagdagan ang bilang.