-- Advertisements --
image 267

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang 18 misdeclared container ng mga sibuyas na nagkakahalaga ng P77million na ipinadala sa Manila International Container Port (MICP) na itinago sa mga pizza dough.

Ayon sa Bureau of Customs, personal na inspeksyon ang mga kargamento sa Manila International Container Port (MICP).

Ang inspeksyon ay ginawa ng Customs Intelligence and Investigation Service batay sa “derogatory information” mula sa China.

Sinabi ng naturang kawanihan na ang mga kargamento ay labag sa mga lokal na regulasyon na nag-uutos sa mga importer na makakuha ng sanitary and phytosanitary important clearance (SPIC) mula sa Bureau of Plant Industry (BPI) para sa mga agricultural commodities.

Dagdag dito, ang mga pizza dough na ginamit para itago ang pula at puting na sibuyas ay hindi rin sakop ng mandated license at permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Kung matatandaan, inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) noong Enero ang pag-aangkat ng 21,060 metric tons ng sibuyas upang punan ang kakulangan sa suplay sa bansa.

Sa ngayon, kasalukuyan nang nasa ilalim ng imbestigasyon ang may-ari ng mga nasamsam na sibuyas.