Nilinaw ng Bureau of Customs (BOC) na ang pagkaantala sa rice shipment ay hindi dahil sa congestion sa Manila ports kundi sa nakabinbin na requirements na kinakailangang sundin ng consignees.
Ang pahayag ng BOC ay matapos ang iba’t ibang concerns o alalahanin na maaaring makaapekto sa presyo ng bigas ang mga pagkaantala dahil hindi pa nailalalabas ang rice shipments.
Ayon sa ahensya, handa naman nang i-release ang rice shipments sa oras na matapos ng consigness ang kanilang mga responsibilidad.
Ayon sa BOC, nasa Port of Manila pa rin ang 258 shipping containers na may mga bigas kung saan 237 dito ay clear na para i-release sa pagbabayad ng duties at taxes habang ang natitirang 21 containers ay pinoproseso pa para ma-clear matapos ipresenta ang Goods Declaration noong Biyernes.
Samantala, 630 rice containers ang nananatili sa Manila International Container Port kung saan 492 na ang na-clear na para i-release habang ang 138na iba pa ay nakabinbin pa.
Binigyang-diin ng BOC na walang rice shipments ang lumampas sa 30-day period ng containment sa mga pantalan, kung hindi, idedeklara ng ahensya na inabandona ang mga container.