Nagsagawa ng Super Green Lane Stakeholders (SGL) Summit ang BOC na naglalayong pabilisin ang proseso ng pag-import ng mga produkto sa Pilipinas.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga importer na magkaroon ng access sa paperless transaction bago ang pagsusumite ng mga manu-manong kopya ng mga dokumento sa pag-import.
Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang Authorized Economic Operator Program (AEO), isang trade facilitation program na nilalayon upang itaguyod ang mga secure na international trade supply chain gamit ang risk management at modern technology.
Itinampok ng kaganapan ang role ng Super Green Lane para sa pagpapabuti ng pagpapadali at pagsunod sa mga pangunahing stakeholder.
Una na rito, ang nasabing kaganapan ay pinangunahan ng Bureau of Customs-Assessment and Operations Coordinating Group na may layuning mapagaan ang proseso ng importation sa ating bansa.