-- Advertisements --

Tiniyak ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio na mananagot ang mga opisyal na mapapatunayang sangkot sa pagtatangkang resale ng higit kumulang P270-M halaga ng mga smuggled cigarettes sa Capas, Tarlac.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) patuloy nilang inaalam kung may mga naging posibleng partisipasyon ang ilang mga opisyal o tauhan ng Customs ang kasama sa insidente na ito.

Para sa imbestigasyon ay inatasan ni Rubio ang Customs Intelligence and Investigation Service na magsagawa ng isang mabusising imbestigasyon ng insidente at magsumite agad ng incident report kay Rubio para sa agarang aksyon sa isyu.

Pagtityiyak naman ng BOC, ang hakbang na ito ay isa sa lamang sa patunay na patuloy ang kanilang pagkontra sa smuggling at ilan pang ilegal na aktibidad na may kaugnayan dito.

Samantala, noong nakaraang taon naman ay nasabat ng BOC ang higit P9.3-B halaga ng mga ilegal na sigarilyo aya electronic cigarette o vape.