Naharang ng Bureau of Customs sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency ang kargamento ng ecstasy na nagkakahalaga ng P68 million.
Nakabalot ito sa loob ng isang kahon na may nakalagay na “dog food ayon kay BOC-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) kung saan natuklasan ng X-ray Inspection Project ang kaduda-dudang laman sa scanned image nito.
Sa masusing inspection, natuklasan ng isang Customs Examiner ang 13.9 kilo ng ecstasy na may kabuuang 40,389 tablets na nagmula sa Netherlands.
Matapos maharang, agad inaresto ang apat na indibidwal na konektado sa illegal shipment kasama ang claimant dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Ayon kay Custom Commissioner Bienvenido Y. Rubio, bahagi ang operasyon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, na mananatili silang maingat laban sa illegal substances na pumapasok sa bansa.