-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tiniyak ng Bureau of Customs-Port of Davao na magsasagawa ang kanilang opisina ng inspeksiyon laban sa mga illegal na kargamentos na planong ipasok sa siyudad.

Ang pahayag ng ahensiya ay may kaugnayan sa nakumpiskang 40-footer containers na mas laman na mga imported na sibuyas na nagkakahalaga ng P4.9 million.

Una ng napaglaman sa ahensiya na na umano itong idineklarang 2,500 packages mula sa China.

Dumating ang nasabing mga kargamentos sa TEFASCO Wharf sa nakaraang linggo..

Sinabi naman ni District Collector Lawyer Erastus Sandino B. Austria na nag-isyu na sila at Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa consignee gumikan sa paglabag sa Section 1400 “Misdeclaration of Goods Description” sa ilalim ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Siniguro rin ni Austria na ipagpatuloy sa Customs Davao ang mahigpit na kampanya laban sa illegal na pagpasok ng mga imported goods sa bansa sa tulong ng iba pang mga enforcement agencies.