BOC-Subport Gensan isinailalim na sa forfeiture proceedings ang mga nasabat na smuggled cigarettes sa Rehiyon 12.
GENERAL SANTOS CITY – Isinailalim na sa forfeiture proceedings ng Bureau of Customs ang mga ilegal na sigarilyo na nasabat sa checkpoint sa Rehiyon 12.
Ito ay matapos ibinunyag ni Orlando Orlino, BOC-Sub port Gensan Collector na proseso ito ng gobyerno na kailangang manatili sa kanilang posisyon ang anumang smuggled items at kanila itong sisirain.
Pagtitiyak umano ito para hindi na maibalik sa may-ari na baka ibenta pa sa palengke.
Matatandaan na ang unang nakompiska ng otoridad sa Rehiyon ay mahigit labing pitong libong rims ng smuggled cigarettes sa checkpoint ng Joint task force gensan sa Brgy. Bawing sa lungsod ng Gensan na may market value na P9M.
Habang naaresto rin ang isa pang kontrabando ng sigarilyo sa checkpoint sa Tamtangan South Cotabato na nagkakahalaga ng walong milyong piso.
Unang inamin ng opisyal na maraming istilo ang mga smuggler para ipuslit ang produkto kaya naman doble ang pagbabantay ng mga awtoridad.