image 536

Tiniyak ng Bureau of Customs na susugpuin nito ang talamak na agricultural smuggling sa bansa.

Ito ang naging kasagutan ng naturang tanggapan, kasunod ng naging kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na higpitan ang pagbabantay sa rice smuggling at iba pang mga nangyayaring pagpupuslit ng ibat ibang mga agricultural products.

Ayon kay Customs Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, lalo pa nilang hihigpitan ang pagbabantay sa mga pantalan, na kadalasang ginagamit ng mga smugglers sa kanilang ilegal na gawain, kasama na ang inspection sa mga warehouse.

Makakatulong din aniya ang mga report mula sa publiko, ukol sa kanilang namomonitor, lalo na sa mga karagatan.

Maalalang kamakailan ay nasabat ng BOC ang P42million na halaga ng ipinuslit na bigas sa Zamboanga City.

Ang naturang bulto ng bigas ay una nang ipinamigay sa mga mahihirap na pamilya sa naturang lugar, sa pangunguna ni PBBM.