-- Advertisements --

Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) na mayroon silang mahigpit na ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para tuluyang malabanan ang pagpupuslit ng iligal na droga.

Sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na may ilang insidente na silang naitala na ipinupuslit ang iligal na droga sa mga balikbayan boxes.

Dagdag pa ng opisyal an mayroon silang mga kaparaanan para agad na matukoy kung mayroong nagpupuslit ng iligal na droga.

Tintiyak niya na kanilang nasasampahan ng kaukulang kaso ang mga nasa likod ng pagpapadala ng iligal na droga.