-- Advertisements --
Kumpiyansa ang Bureau of Customs (BOC) na malalampasan nila ang kanilang 2020 target collection.
Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na ang patuloy na pagkulekta ng mga buwis sa nagdaang anim na buwan ay siyang nagtulak para mahigitan ang target na P506 billion.
Ipinagmalaki pa nito na tumaas ang koleksyon ng ahensya sa buwan ng Nobyembre.
Mayroon kasing P44.7 billion ang collection nila noong Nobyembre na mas mataas ng 5.9 percent kumpara sa P42.2 billion na target.
Aminado din nito na mas mababa ang koleksyon sa nagdaang anim na buwan dahil sa ipinatupad na lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.