-- Advertisements --

Pinasinungalingan ng Bureau of Customs ang alegasyon na smuggled ang 38,400 metric tons o higit P1 billion na halaga ng bigas na dumating sa Port of Iloilo mula Agusto 4 hanggang 13.

Ayon kay Noli Santua, Jr., acting deputy collector for operations ng BOC Collection District 6, may gusto lamang sumira sa imahe ng BOC-Port of Iloilo na sa ngayon ay wala pang history ng rice smuggling.

Sinabi ni Santua na naka-secure ang rice traders at rice importers ng clearances at permits mula sa Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry.

May Sanitary and Phytosanitary import clearances (SPS-IC) umano mula sa BPI at may nagbabayad rin ng buwis sa Customs.

Ang statement ng BOC ay kasunod ng lumabas na report na may 10 barko na dumating sa Iloilo karga ang 38,400 metric tons ng smuggled imported rice mula sa Vietnam.