-- Advertisements --

Umabot sa mahigit limang oras bago tuluyang maapula ng Bureau of Fire Protection ang nangyaring sunog sa isang bodega sa Tinajeros, Malabon.

Nagsimula ang sunog dakong ala-5 ng hapon sa ikalawang palapag ng bodega.

Umabot pa ito ng ikalawang alarma bago maideklarang fire under control matpos ang apat na oras.

Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang sunog dahil gawa sa mga konkreto ang nasabing bodega.

Naubusan pa ng tubig ang ilang trak ng bumbero at nahirapan pang maghanap ng mga fire hydrants sa lugar.

Ang bodega ay naglalaman ng mga dental at clothing supplies.

Wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing sunog at inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.