Binigyang-diin ng Commission on Human Rights (CHR) ang agarang pangangailangan ng mga law enforcement operatives para sa body at vehicle dashboard cameras upang masiguro ang transparency at accountability sa kanilang mga operasyon.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, ang nangyaring “misencounter” sa pagitan ng mga tauhan ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City noong Pebrero 24 ay isang “wake-up call” para sa pulisya na laging bitbitin ang kanilang body camera tuwing may operasyon, habang ang kanila namang mga patrol vehicles ay dapat may dashboard cameras.
Kung maaalala, apat na katao ang namatay sa naturang insidente.
Inatasan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pangyayari.
Sa panig ng CHR, sinabi ni De Guia na maglulunsad din sila ng sarili nilang imbestigasyon hinggil sa engkwentro, na susuporta naman sa ginagawa ng NBI.