-- Advertisements --

bwc

Dineploy na rin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga bagong biling body-worn cameras (BWCs) sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sinabi ni PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar na kasama sa deployment ng mga pulis sa mga Quarantine Control Points (QCPs) ang mga BWCs sa ibat-ibang police units sa NCR.

Binigyang-diin ni PNP Chief na ang mga idineploy na mga body worn cameras ay magsisilbing constant reminder sa kanila na maging magalang at may kortesiya sa mga kababayan natin na dumadaan sa mga checkpoints.

Dagdag pa ni PNP Chief, mahalaga na magamit ang kanilang mga body-worn cameras ng madalas para masanay na hindi lamang ang mga kapulisan na gagamit kundi pati ang mga commanders sa aspeto ng command and control.

Kaninang umaga personal na sinupervised ni Eleazar ang command and control sa paggamit ng BWCs ng mga pulis na nagmamando ng mga checkpoints.