CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang bodyguard ng isang kilalang pulitiko sa may Purok Apitong, Barangay Maranding,Lala,Lanao del Norte.
Kinilala ang suspek na si Erwin Madid alyas Koykoy, residente ng Sultan Naga Dimaporo sa nasabing probinsiya.
Naaresto rin ang kaniyang kasamahan na si Maumar Panda.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Regional Drugs Enforcement Unit o RDEU operative Police Staff Sgt Elmer Arrabi Jr na matagal na nilang minaman-manan ang illegal na aktbididad ng dalawang suspek at kagabi lamang nila ito nahuli.
Nakuha mula sa posisyon ni Madid ang 250 grams na shabu na may market value na P2 million habang P400,000 naman na halaga ng shabu ang nakumpiska mula kay Panda.
Nabawi rin mula kay Madid ang .45 caliber pistol na puno ng mga bala at dalawang (2) bigbikes na kanilang ginagamit sa illegal drugs transaction.
Ngunit, hindi pinangalanan ng PDEA at PNP ang pulitiko na pinagseserbisyohan ni Madid.
Kasong paglabag sa RA 9165 ang kinahaharap ng mga nahuling suspek.