-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sinampahan na ng patong-patong na kaso ang goons ng isang malaking political family sa Iloilo na nanutok ng baril sa caucus ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Barangay Bungca Barotac Nuevo, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Col. Marlon Tayaba, sinabi nito na kabilang sa mga kasong isinampa kay Benjie Villanueva ay illegal possession of firearms, paglabag sa election gun ban, grave threat, at alarms and scandal.

Malaking ebidensya aniya ang statement ng mga dumalo sa caucus at ang picture kung saan makikita si Villanueva na may bitbit na baril.

Ayon kay Tayaba, si Villanueva ay itinuturong bodyguard ng tumatakdong alkalde sa Barotac Nuevo na may apelyidong Biron.

Napag-alaman na nag-iisa lang ang Biron na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Barotac Nuevo Iloilo at ito ay si former Mayor Hernan Biron Sr.

Aniya, sasampahan din ng kaso ang iba pang mga kasamahan ng arestado na sina Roger Dayan at Roger Villanueva na tinutugis pa rin ng pulisya.