-- Advertisements --

 

Nilinaw ngayon ng Philippine National Police (PNP) na hindi miyembro ng Police Security and Protection Group (PSPG) ang tatlong bodyguards ng negosyanteng si Arnold Padilla na sangkot sa pananapak sa dalawang traffic enforcer sa Makati City.

Mismong ang pamunuan ng PSPG ang nagkumpirma na hindi miyembro ng PNP ang mga bodyguard ng negosyante.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Makati City Chief of Police, PSSupt. Rogelio Simon kaniyang sinabi na nasa proseso na sila ngayon sa pagtukoy sa identities ng tatlong body guard ng negosyante na umanoy armado umano.

Kasong direct assault ang isinampa ng Bantay Bayan sa negosyante at sa body guards nito.

Kinumpirma din ni Simon na naghain rin ng counter charges sa Makati Police ang isa sa mga body guard ni Padilla at kanila naman itong inaccomodate.

Isa sa tatlong body guard na kasama ni Padilla ay nakilalang si Bernabe Casido.

Matapos mabatid na may bitbit umanong armas ang grupo ng negosyante, agad nakipag-ugnayan ang Makati City Police sa PNP Firearms and Explosive Office (FEO) kung mayroong lisensiya at may kaukulang permits ang mga armas ng grupo ni Padilla.

Batay kasi sa pahayag ng mga bantay bayan na may nakita silang armas na dala ng grupo ng negosyante.

Bukod sa FEO, may koordinasyon na rin sila sa PNP Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (SOSIA) kung mga licensed private protective agent ang mga body guard ni Padilla.