-- Advertisements --

Pinayagan na muli ng Federal Aviation Administration ang Boeing 737 na makabiyahe muli.

Ito ay matapos ang 20 buwang pagbawalang makabiyahe dahil sa magkakasunod na aksidente.

Noong March 2019 ng mangyarin ang pagbagsak ng Boeing 737 Max na ikinasawi ng 346 katao.

Lumabas noon sa imbestigasyon na nagkaroon ng technical problem kung saan mabilis itong bumulusok pataas at mabilis din itong bumagsak.

Dahil sa nasabing approval ng FAA ay makakalipad na ang 387 grounded planes na pag-aari ng 59 airline companies.