Pansamantala munang babawasan ng Boeing company ang kanilang produksyon ng mga 737 jetliners. Pinaplano rin ng kumpanya na makipag-ugnayan sa kanilang mga customers at suppliers upang ipaliwanag ang maaaring maging apekto nito sa kanilang sales.
Ito ay matapos ilabas ang preliminary report kung saan nakita na pareho ang naging sanhi ng pagbagsak ng Ethiopain Airline at Lion Air na ikinasawi ng daan-daang tao.
Ayon kay Boeing Chief Executive Officer Dennis Muilenburg, sa oras na tanggalin na raw ang suspension ng mga 737 max aircrafts ay makasisiguro na sila sa kaligtasan ng mga pasahero at crew ng eroplano.
Bumagsak ng halos 1.9 percent o $389.49 ang shares ng Boeing matapos nitong gawin ang nasabing anunsyo. Bumaba ang stocks nito ng 7.2 percent simula nang mangyari ang pagbagsak ng Ethiopian Airline noong March 10.
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagsasaayos ng Boeing sa system patch ng 737 max aircrafts.