-- Advertisements --
Hindi na ikinaila ng Boeing na nagkulang sila sa mga safety alert system ng kanilang eroplanong 737 Max.
Ito ay matapos na ipinatigl sa buong mundo ang paggamit ng kanilang 737 Max dahil sa magkakasunod na aksidente na ang pinakahuli ay sa Ethiopia na ikinasawi ng lahat ng pasahero at crew.
Ayon kay Boeing boss Dennis Muilenburg na nagkaproblema sila sa software sa cockpit warning light na tinatawag na “angle-of-attack (AOA) disagree alert”.
Sinabi nito na isang malaking pagkakamali ang hindi nila agad na pag-implementa.
Tiniyak naman nito na kanilang aayusin ang nasabing problema.