-- Advertisements --
VIRGINIA, USA – Pumayag ang Boeing na aminin ang pagkakasala sa kaso ng ng conspiracy to defraud US regulators ukol sa mga kinakaharap nilang usapin.
May kaugnayan ito sa dalawang pagbagsak ng 737 Max noong 2018 at 2019.
Ayon sa isang pahayag ng korte, inihain ang plea noong weekend, matapos pag-aralan ang maraming konsiderasyon.
Sa kasunduan sa kagawaran, pumayag ang Boeing na magbayad ng $487.2 milyon na multa, ang pinakamataas na pinapayagan ng batas, at maglagak ng hindi bababa sa $455 milyon sa loob ng susunod na tatlong taon upang palakasin ang kanilang mga programa sa pagsunod at kaligtasan.
Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa publiko at mga biktima ng pagbagsak ng eroplano.