Nagkaroon ng makasaysayang joint session nitong Lunes, Nobyembre 18, ang Bohol at Cebu upang pagtibayin pa ang sisterhood agreement bilang natitirang lalawigang sakop ng Central Visayas.
Nilalayon pa ng kauna-unahang joint session na ito na pasiglahin ang pagtutulungan sa paglago ng ekonomiya, turismo, at kultura at upang itaguyod ang pagkakaisa at ibinahaging pag-unlad.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Bohol Gov. Aris Aumentado ang kahalagahan ng naturang pagtitipon ng mga mambabatas mula sa dalawang lalawigan para palakasin ang pagkakaisa bilang isang rehiyon.
Sinabi pa ni Aumentado na ito pa ay magbibigay daan sa mga mambabatas dito na harapin ang mga suliranin nang direkta sa solusyon na umiikot sa kasalukuyang realidad.
“This gathering of legislators from the 2 provinces is a valuable opportunity to strengthen unity as one region, as natural partners. Collaboration is not just a word, it is something we must incorporate into our governance. We must cooperate in everything we do, and ensure that entire Central Visayas has what it takes to become a beacon of inspiration for other regions. The joint session of the 2 Sangguniang panlalawigan will allow our legislator to face problems head on with solution rounded in our current reality,” ani Aumentado.
Samantala, sa panig naman ni Gov. Gwen Garcia, tinawag nito ang dalawang probinsya bilang desinated survivors ng rehiyon na una nang binubuo ng apat na lalawigan.
Sinabi pa ni Garcia na ang greatest asset dito ay ang mga tao at kampante na ang rehiyon ang siyang magiging economic power house ng buong Visayas sa pamamagitan na rin ng pagtutulungan.
Idinagdag pa ng gobernadora na simula ngayon ay tatawagin na umano itong SugBohol bilang pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
“Gikan karon, aron ang uban masayod unsa ni nga rehiyon, atu ning tawgon og Sugbohol. Sugbo ug Bohol. There are many things to plan ahead but we will have our own identity,” saad ni Garcia.