-- Advertisements --
BOHOL – Pormal nang nanumpa nitong Lunes si Bohol Governor Erico Aris Aumentado sa harap ni Judge Jennifer Echavez-Marcos bilang bagong chair ng Regional Development Council sa Central Visayas (RDC-7).
Magtatapos ang termino ni Aumentado bilang RDC chair sa taong 2025.
Sa kanyang naging talumpati, nangako ang gobernador ng pantay na pakikitungo sa mga proyekto sa 4 na probinsya sa Central Visayas kabilang ang Bohol, Cebu, Siquijor, at Negros Oriental.
Nais din ni Aumentado na mas maraming shipping company ang mag-operate sa Bohol at dagdag na international flights sa Panglao airport para matugunan ang dumaraming turista sa Bohol.
Kabilang din sa itutulak umano nito ang aspeto ng turismo, imprastraktura at agrikultura.