Pinatawan ng kalahating taong suspensyon ng Office of the Ombudsman sina Bohol Governor Erico Aumentado, mga opisyal ng lokal na pamahalaan, national officials na nasa ilalim ng The Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture (DA), Department of Science and Technology (DOST), Philippine National Police (PNP) at Office of Civil Defense (OCD).
Maging ang barangay captains na nakakasakop sa area ng Chocolate Hills ay sinuspinde rin.
Matatandaang lumutang ang issue nang kumalat ang mga larawan ng isang resort sa paanan ng Chocolate Hills na idineklara pa man din ng UNESCO bilang protected area.
Nabatid na kahit may closure order na ang resort ay tuloy pa rin ang operasyon nito.
Samantala, tiniyak naman ni Aumentado na patuloy siyang tutulong sa kaniyang mga kababayan kahit sa panahon ng suspensyon.
Ang iba pang opisyal ay hindi pa naman naglalabas ng komento.