CEBU – Dahil sa pagkakaroon ng world-famous Chocolate Hills at marahil natatangi sa mundo,itinuring ang Bohol bilang isa sa pitong (7) itinuturing na geopark na nominado ng Global Geoparks council ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).
Kabilang sa pitong itinuturing na geopark ang Ijen, Indonesia; Maros Pangkep, Indonesia; Aras, Iran; Waitaki Whitestone, New Zealand; Kinabalu, Malaysia; at Khorat, Thailand.
Nabatid na sumailalim sa reevaluation at revalidation ang mga nasabing lugar.
Nang tanungin ang kanyang opinyon, lubos na ipinagmamalaki ni Bohol Governor Aris Aumentado ang probinsya gayunman sinabing malaki ang kontribusyon ng Chocolate Hills sa turismo sa lalawigan.
Dagdag pa ni Aumentado, maaaring maging instrumento ang Chocolate Hills para sa mas maraming come-ons na matutuklasan sa probinsya.