-- Advertisements --

Napabilang ang bayan ng Panglao sa lalawigan ng Bohol bilang top 10 trending destinations para sa 2025 ayon sa isang portal travelers na Skyscanner.

Ikinatuwa naman ito ng Department of Tourism (DOT) dahil patunay aniya na ang global interest sa Pilipinas ay kapansin-pansin.

Nabatid na nakakuha ng 77 percent sa flight searches ang Panglao sa nagdaang nakalipas na kalahating taon.

Kinilala naman ang lalawigan ng Bohol bilang ’emerging as another Asian wellness and well-being destination’ ng Skyscanner.

Sikat ang Panglao sa magaganda nitong mga beaches, Chocolate hills, at eco sites kagaya ng Loboc river at tarsier sanctuary.

Samantala, ang isinagawang datos ay binase ng Skyscanner sa ranking ng pagtaas ng flight searches simula noong Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2024.

Natalo naman ng Isla ng Bohol ang Stuttgart sa Germany, na naka kuha ng siyam na puwesto at lugar sa Thiruvanan-thapuram, India na ika-10 puwesto. (news by :Bombo John)