Naniniwala si PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa na ang susi para maiwasan ang kahalintulad na insidente gaya ng Jolo fatal shooting ay local coordination.
Pahayag ito ni Gamboa base sa inisyal na report ng Joint AFP-PNP BOI team na dahil sa lapses sa coordination kaya humantong sa pamamaril patay sa dalawang army officers at dalawang enlisted personnel.
Sa panayam kay PNP Chief sinabi nito, pina-finalized na ng BOI team ang kanilang report at saka iprisinta sa kaniya at kay AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos.
Magkakaroon ng joint evaluation ang AFP at PNP kung paano nila ipatutupad ang mga gagawing adjustment.
Giit ni Gamboa maaari silang magsimula sa strategic hanggang sa tactical coordination.
Binigyang-diin ni Gamboa kung anoman ang magiging resulta ng BOI investigation, magpapatupad sila ng adjustment sa kanilang operational policies at hikayatin ang AFP na gawin din ito.
End-objective ng BOI investigation ay para hindi na maulit ang pamamaril ng siyam na pulis sa apat na sundalo.
Samantala, humupa na ang tensyon sa Jolo, Sulu matapos ang madugong insidente.
Ito ay dahil sa pag-uusap ng mga opisyal ng PNP at AFP.
Malaking tulong din ang paglipat sa Metro Manila sa siyam na pulis kayat wala ng nararamdamang pressure.
Sa kabilang, hindi naman naging hadlang sa PNP at AFP ang Jolo shooting incident paraBOI team pina-finalized na ang report sa Jolo fatal shooting;
PNP Chief naniniwala, mahalaga ang local coordination para di na maulit pa ang pamamaril sa apat na sundalo.