Pinatay ng mga Boko Haram militants ang lima nilang hostages sa Nigeria.
Ayon kay Eve Sabbagh, spokeswoman ng UN’s Office for the Coordination of Humanitarian Assistance, kinabibilangan ito ng apat na aid workders at isang security personnel member na kasama sa grupo.
Pawang mga aid workers ang mga ito sa iba’t-ibang humanitarian agencies.
Dinukot ang mga biktima noong Hunyo sa northeastern Nigeria habang nasa biyahe sa bayan ng Monguno at Maiduguri ang kapital ng Borno state.
Sinubukan ng mga UN na iligtas ang mga dinukot na biktima subalit naging matigas ang mga militanteng grupo.
Kinondina naman ng International Rescue Committee ang nasabing insidente at tinawag na isang ‘barbaric act’ ang ginawa ng mga Boko Haram militants.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Nigerian President Muhammadu Buhari sa mga kaanak ng mga nasawing biktima.