Hindi mawawalan ng motibasyon si Jade Bornea sa pagharap niya kay Fernando Martinez ng Argentina sa Linggo (Manila time).
Bukod sa pagsisikap na makuha ang kanyang unang world title, masigasig si Bornea na makabawi kay Martinez, na nagpatalsik sa isa pang Filipino kay Jerwin Ancajas noong nakaraang taon para sa IBF super flyweight belt.
Ipinakita ni Bornea (18-0, 12KOs) na siya ay karapat-dapat sa title shot matapos maghatid nang nakamamanghang tagumpay noong nakaraang taon na kung saan ay pinatumba si Mohammed Obbadi sa tatlong round bago pinatigil si Ivan Meneses.
Ngunit si Martinez (15-0, 8KOs), isang agresibo kung manuntok, ay hindi katulad ng iba pang manlalaro na kinaharap ni Bornea at kakailanganin nito ng mahabang panahon para mapatalsik ng pride ng Cotabato del Norte ang kampeon.