-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan sa Beverly Hills California ang boksingerong si Ryan Garcia.

Ayon sa mga otoridad na inaresto nila ito dahil sa paninira sa ilang kagamitan sa Waldorf Astoria hotel.

Nasa batas kasi ng California na ang anumang damyos na nagkakahalaga ng mahigit $400 ay maikokonsiderang felony.

Sinasabing nasa impluwensiya ng alak ang boksingero ng mangyari ang insidente.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang nag-udyok sa boksingero na gawin ang insidente.