-- Advertisements --
Nagpasabog ng 39 points si Robert Bolick para buhatin ang NLEX at tuluyang talunin ang San Miguel Beermen 104-99 sa PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Ynares Center, Antipolo.
Naging susi rin ang nagawang siyam na rebounds ni Bolick para mahabol ang 19 points na kalamangan ng Beermen.
Mayroon ng tatlong panalo at isang talo ang NLEX habang ang Beermen ay mayroong isang panalo at isang talo.
Humanga si NLEX head coach Jong Uichico sa galing ni Bolick dahil sa sipag na ipinamalas nito sa laro.
Hindi naman umubra ang nagawang 21 points ni Quicy Miller at 20 points ni June Mar Fajardo para sa Beermen.