-- Advertisements --
Binuhat ni Robert Bolick ang NLEX Road Warriors para ilampaso ang Terrfarima Dyip 104-85 sa nagpapatuloy na PBA 49th Commissioner’s Cup.
Ito na ang pangalawang panalo ng NLEX sa pagsisimula ng conference sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.
Nagtala si Bolick ng 32 points, limang assists at apat na reobunds habang mayroong 26 points, 30 rebounds si Michael Griffin-Watkins.
Nakapag-ambag naman ng 15 points, apat na rebounds at isang steal si Xyrus Torres habang mayroong 13 points, pitong rebounds at isang steal para kay Tony Semerad.
Mayroong ng dalawang panalo at isang talo ang NLEX habang ang Terrafirma ay wala pang panalo at mayroon ng tatlong talo.