-- Advertisements --
Tuloy na ang muling paglalaro sa PBA ni Robert Bolick.
Ito ay matapos maaprubahan ng liga ang three-team trade sa pagitan ng NorthPort Batang Pier, NLEX Road Warriors at San Miguel Beermen.
Makakasama nito sa NLEX si Kent Saladao kapalit nito sina Don Trollano, Ben Adamos, Kris Rosales at ang Season 49 second-round draft pick ng Northport.
Tatayo si Bolick bilang guard ng NLEX dahil habang nagpapagaling mula sa kaniyang ACL injury si Kevin Alas.
Makakasama naman ni Trollano ang mga ka-team mate niya sa Adamson Soaring Falcons na si Jericho Cruz at Rodney Brondal na nasa San Miguel Beermen na.