-- Advertisements --
Arestado si Bolivian interim President Jeanine Áñez at limang ministers nito dahil sa patuloy na kaguluhan sa pulitika.
Naglabas ng warrant of arrest ang Attorney General office para arestuhin si Anez at si government minister Carlos Eduardo del Castillo at apat na iba pa.
Ayon kay Áñez na nahaharap umano ito sa kasong terrorism, conspiracy at sedition.
Inakusahan nito ang mga kritiko ng maling pamumulitika.
Nagsimula ang kaguluhan sa Bolivia ng tanggalin si dating President Evo Morales dahil umano sa pandaraya sa halalan.
Nanilbihan si Morales sa nasabing bansa sa loob ng 14 na taon.