Magkasunod na nag-resign sa puwesto sina Bolivian President Evo Morales at ang kanyang Vice President Alvaro García Linera.
Kasunod ito ng malawakang protesta sa buong bansa dahil sa pinagtatalunang boto na umano’y kanyang napanalunan.
Ginawa ni Morales ang anunsyo makaraang lumabas ang preliminary report ng Organization of American States (OAS) kung saan mayroon daw mga iregularidad sa ginanap na presidential elections noong Oktubre 20.
Una nang nanawagan si Morales ng panibagong general elections.
Bagama’t hindi binanggit ang OAS report, hinimok ni Morales ang lahat ng mga political parties at mga sektor na tumulong para sa ikakapayapa ng bansa matapos ang mga protesta na kumitil na ng buhay ng tatlong katao.
“We all have to pacify Bolivia,” wika ni Morales.
Sa Vatican naman, hinikayat ni Pope Francis ang mga Bolivians na mahinahong hintayin ang kalalabasan ng election review.
Para naman kay Cuban President Miguel Díaz-Canel Bermúdez, kanyang kinondena ang pangyayari na tinawag niyang “coup” na ang nasa likod daw ay ang oposisyon sa Bolivia.
“We condemn the opposition’s coup strategy which has unleashed violence on Bolivia, has cost deaths, hundreds of injuries and condemnable expressions of racism towards the native people. We support Evo Morales,” pahayag ni Bermúdez sa twitter.
Ang bansang Brazil naman ay sinuportahan ang pagkakaroon ng bagong general elections.
Ang US State Department ay tiniyak naman na nakatutok sila sa nagaganaop ngayon sa Bolivia kasabay ng panawagan na dapat lamang na mabigyang malaya at magkaroon ng pantay na halalan ang mamamayan ng Bolivia.
“As we have stated earlier today, we urge the OAS to send a mission to Bolivia to oversee the new electoral process and to ensure that the new Electoral Tribunal is truly independent and reflects a broad swath of Bolivian society,” bahagi pa ng statement ng US State Department. “The Bolivian people deserve free and fair elections in the context of their constitution. We call on everyone to refrain from violence during this tense time and we will continue to work with our international partners to ensure that Bolivia’s democracy and constitutional order endure.“
Matapos ang botohan noong Oktubre 20, idineklara ni Morales na siya ang nagwagi bago pa man lumabas ang official results kung saan sapat ang natanggap nitong boto upang makaiwas sa mas matinding kumpitensya sa kalaban nitong si opposition leader Carlos Mesa.
Ngunit dahil sa 24-oras na lapse sa paglalabas ng resulta ng boto, nagduda naman ang mga tagasuporta ng oposisyon na baka nagkaroon ng dayaan sa halalan.
Nagpadala na ang OAS ng 30-person team upang maglunsad ng “binding” audit sa presidential election.
Kabilang sa preliminary recommendations ng OAS ang pagsasagawa ng panibagong halalan sa pamamagitan ng bagong electoral tribunal.
“The process was hard-fought and the security standards have not been respected,” saad sa pahayag ni OAS president Luis Almagro sa Twitter. “Mindful of the heap of observed irregularities, it’s not possible to guarantee the integrity of the numbers and give certainty of the results.”