-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Indian superstar na si Aamir Khan at asawa nitong director at producer Kiran Rao na sila maghihiwalay na matapos ang 15 taon na pagsasama.

Plano din ng dalawa na sabay na palakihin ang kanilang anak na lalaki na si Azad.

Hindi rin anila sila titigil sa paggawa ng mga pelikula at magkasama pa rin sila mga projects.

Sa inilabas na kalatas ng dalawa na noon pa man ay binalak na nilang maghiwalay subalit ngayong panahon lamang sila nagkaroon ng lakas ng loob para isagawa ito.

Ang 55-anyos na actor kasi ay mayroon ng dalawang anak sa nagdaang asawa nito na tinguriang pinakasikat na Bollywood actor.

Bukod sa India ay marami rin itong mga fans sa China at ibang mga bansa.

Nagkakilala ang dalawa sa pelikulang “Lagaan” noong 2001 at taong 2005 ay ikinasal ang dalawa.

Taong 2016 ng itinaguyod nila ang Paani Foundation, isang non-profit organization na lumalaban sa kagutuman sa Maharashtra region sa India.