-- Advertisements --

Nakalabas na ng pagamutan ang Bollywood actor na si Amitabh Bachchan matapos madapuan ng coronavirus.

Umabot sa mahigit tatlong linggong nanatili ang 77-anyos na actor mula ng magpositibo sa coronavirus testing.

Sa kaniyang social media account, inanunsiyo nito ang magandang balita sa kaniyang mga fans na nagnegatibo na ito sa virus.

Pinasalamatan nito ang mga doctor at nurses na nag-alaga sa kaniya sa Nanavati Hospital.

Magugunitang maging ang anak nitong si Abhishek Bachchan ay nagpostibo rin sa coronavirus maging ang manugan nitong babae na si Aishwarya Rai Bachcharan at apo na si Aradhya ay nagpositibo sa virus subalit sila ay gumaling na.

Isa kasi ang actor sa pinaka-high-profile na tao na nagpositibo sa virus.